Anumang edad, dapat sumunod pa din sa health protocol — DOH

Share this information:

Ipinaliwanag ng Department of Health (DOH) na kahit anong edad ang payagang lumabas sa gitna ng pandemya, mahalaga pa rin ang pagsunod sa health protocol o minimum public health standards (MPHS).

Ito ang pahayag ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire sa virtual media forum, matapos payagan nang lumabas ang mga nasa edad 10-65 anyos ng Inter-Agency Task For for Emerging Infectious Diseases (IATF) sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ o Modified General Community Quarantine.

Ayon kay Vergeire, ito ay basta’t nasusunod ang MPHS at mababa ang peligro ng pagkakahawa o pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Ipinauubaya naman ng IATF at DOH sa mga local government units ang mahigpit na pagpapatupad ng protocol sa kani-kanilang nasasakupan sa sandalling magsimula nang payagan na silang lumabas sa Pebrero 1.

Ayon pa kay Vergeire, pinayagan ang edad 10-65 base na rin sa mungkahi ng economic clusters  upang makapagsimula nang makarekober ang ekonomiya na labis na naapektuhan ng pandemya.

Sa panig naman ng Lungsod ng Maynila, sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na sa ngayon ay wala pang galawan sa kanilang lungsod. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Angono LGU not keen on China-made vaccines

Fri Jan 22 , 2021
MORE local government units are veering away from the China-made vaccines. The Municipality of Angono is the latest among LGUs that chose to pick a vaccine brand that yields more than 90 percent efficacy. In a statement, Angono Mayor Jeri Mae Calderon said that the local council has already approved […]

Follow Us

%d bloggers like this: