Mayor ng Libungan, North Cotabato patay sa pamamaril

Share this information:

UTAS ang alkalde sa bayan ng Libungan, North Cotabato makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Tinukoy ni North Cotabato Provincial Director Police Colonel Henry Villar ang napatay na si Mayor Amping Cuan na tinambangan sa Barangay Cabaruyan ng nabanggit na bayan.

Batay sa paunang impormasyon, inabangan umano ng mga suspek ang sasakyan ng alkalde at saka pinaulanan ng bala ng baril.

Kasama rin sa nasawi sa ambush ang drayber ni Villar.

Agad namang tumakas ang mga suspek at sa ngayon ay patuloy ang follow-up operation ng mga awtoridad.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Nuezca, sibak na sa pagka-pulis

Mon Jan 11 , 2021
TINANGGAL na sa serbisyo ng pagka-pulis si Staff Sergeant Jonel Nuezca na nakapatay sa mag-inang naka-alitan nito sa Paniqui, Tarlac nuong nakaraang buwan. Kasunod nito ng pag-apruba ni Philippine National Police Chief General Debold Sinas sa rekomendasyon ng Internal Affairs Service (IAS) na dismissal kay Nuezca dahil sa kasong grave […]

Follow Us

%d bloggers like this: