Nuezca, sibak na sa pagka-pulis

TINANGGAL na sa serbisyo ng pagka-pulis si Staff Sergeant Jonel Nuezca na nakapatay sa mag-inang naka-alitan nito sa Paniqui, Tarlac nuong nakaraang buwan.

Kasunod nito ng pag-apruba ni Philippine National Police Chief General Debold Sinas sa rekomendasyon ng Internal Affairs Service (IAS) na dismissal kay Nuezca dahil sa kasong grave misconduct.

Ayon kay Sinas, epektibo ang dismissal ni Nuezca ngayong araw, Enero 11, 2021.

Bunsod nito, hindi na matatanggap ni Nuezca ang kanyang mga benepisyo.

Nuong Disyembre 20, 2020 nang barilin ni Nuezca sina Sonya at Frank Gregorio matapos ang pagtatalo dahil sa “boga” at “right of way” at kumalat ang insidente dahil na rin sa na-upload na video sa social media.

Samantala, itinakda sa Pebrero 4 ang susunod na pagdinig sa kasong kriminal na nakasampa rin laban kay Nuezca.

Sinabi naman ni Sinas na nailipat na kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Nuezca.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.