4 patay sa pamamaril sa Biñan City, Laguna

Share this information:

TODAS ang apat na indibidwal makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Brgy. San Vicente sa Binan, Laguna.

Batay sa paunang impormasyon ng Laguna Police, nasa auto shop ang mga biktima nang paulanan ng bala ng hindi bababa sa walong mga suspek pasado alas-onse ng Linggo ng gabi.

Tinukoy ang pulisya ang mga nasawi sa insidente na sina James Anthony Alon-Alon, sinasabing miyembro ng Alon Alon Drug Group na dati nang may kaso sa ilegal na droga ngunit nabasura; Jason Mangahis; Carlo Tanael at Custer Tanael.

Nagpapatuloy na ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pamamaril. Pinag-aaralan na rin ang mga kuha ng CCTV sa lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mayor ng Libungan, North Cotabato patay sa pamamaril

Mon Jan 11 , 2021
UTAS ang alkalde sa bayan ng Libungan, North Cotabato makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek. Tinukoy ni North Cotabato Provincial Director Police Colonel Henry Villar ang napatay na si Mayor Amping Cuan na tinambangan sa Barangay Cabaruyan ng nabanggit na bayan. Batay sa paunang impormasyon, inabangan umano ng […]

Follow Us

%d bloggers like this: