Dalawa, tiklo sa P360K high-grade marijuana

Share this information:

Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makumpiskahan ng higit sa P.3 milyon halaga ng high-grade marijuana sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director PBGen. Eliseo Cruz ang naarestong mga suspek na si Mark Lester Corpuz, 32 ng Banaba St. Pangarap Village, Caloocan at Norman Keith Frago, 28, ng Batangas City.

Ayon kay BGen. Cruz, dakong 6 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Maj. Ramon Aquiatan Jr. sa Parking Lot ng Victory Mall sa Brgy. 72, ng lungsod.

Nagawang makapag-transaksiyon ng isang undercover pulis na nagpanggap na buyer sa mga suspek ng P30,000 halaga ng high-grade marijuana o “Kush.”

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng high-grade marijuana ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 180 gramo ng Kush na tinatayang nasa P360,000.00 ang halaga, marked money, digital weighing scale, dalawang cellphone, at isang kulay titanium gray na Honda City (MMA 69).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mga bagong kaso ng COVID, pumalo sa 1,357 ngayong araw

Tue Jan 19 , 2021
Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng karagdagan pang 1,357 na bagong kaso ng COVID-19, dahilan upang umakyat na ang kabuuang bilang sa 504,084. May total recoveries naman na 466,249 dahil sa nadagdag na 324 na mga bagong gumaling sa sakit. Muli namang bumawi  sa bilang ng mga pumanaw […]

Follow Us

%d bloggers like this: