Maynila, nagpaalala sa mga magulang tungkol sa pangangaroling ng mga bata

Share this information:

BAGAMAN hindi ipinagbabawal, nagpa-alala ang lungsod ng Maynila sa mga magulang na huwag nang payagan ang kanilang mga anak na mangaroling ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay Manila Mayor Francisco Domagoso, nasa gitna pa rin ng pandemya na dulot ng COVID-19 ang bansa, na maaaring maging panganib sa mga bata na nasa lansangan at nangangaroling.

Ayon sa alkalde, batid nitong sabik na ang mga bata na mangaroling lalo pa’t halos dalawang taong nananatili sila sa loob ng bahay ngunit kailangan din na mag-doble ingat maging ang bawat miyembro ng pamilya.

Samantala, sa full roll out ng pagbabakuna sa mga kabataan, hinimok ng alkalde ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa COVID-19.

Sinimulan na ngayong araw ang pagbabakuna sa anim na district hospital sa lungsod.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

DOH chief, ipinagmalaki ang tuloy-tuloy ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa

Wed Nov 3 , 2021
IPINAGMALAKI ni Department of Health Secretary Francisco Duque III ang tuloy tuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa Kapihan sa Maynila, ibinida pa ni Duque na pang-lima na lamang ang Pilipinas sa mga bansa sa Timog Silangang Asya pagdating sa dami ng kaso ng COVID-19. Sinabi nitong […]
%d bloggers like this: