Breaking News

Share this information:

MULING mamahagi ng gadget para naman sa mga bagong estudyante na nag-enroll sa pampublikong paaralan sa Maynila para sa taong 2021-2022.

Sa inaprubahang pondo ni Manila Mayor Francisco Domagoso, aabot sa  P364.9 milyon ang ilalaan para sa bibilhing “tablet” para sa mga estudyante na kanilang gagamitin sa blended distance learning habang nasa gitna pa ng pandemya dulot ng COVID-19.

Ayon kay Mayor Domagoso sa ginanap na Local School Board meeting, hangga’t maaari ay nais ng pamahalaang lungsod na makapagpatuloy ng kanilang pag-aaral ang mga estudyante.

Hindi lamang ang paglalaan ng pondo para pambili ng tablet ang inaprubahan  kundi maging ang buwanang data para internet para sa mga mag-aaral ng K-12 at ang procurement ng mga hygiene kits para sa mga teaching at non-teaching personnel.

Bukod pa ito sa inilaang  P60,532,256.37 pondo na maaaring magamit sakaling magkaroon ng karagdagang enrollees .

Ang pamamahagi ng gadget tulad ng tablet at SIM card  ay nagsimula noong taong 2020 habang nasa kasagsagan ng pandemya kung saan naapektuhan ang maraming mag-aaral dahil sa online learning.

Sa pamamagitan ng mga gadget na ito, ang mga estudyante ay nakasabay sa new normal na pamamaraan pagdating sa edukasyon.

Hindi lamang ang mga estudyante ang napagkalooban ng Manila LGU ng gadget kundi maging ang mga guro. Sila ay nabigyan din ng mga laptops  na may pocket WIFI para naman sa kanilang pagtuturo sa kanilang mga estudyante.

Maalala na aabot sa 110,000 tablet ang naibigay sa mga estudyante noong nakaraang taon habang 11,000 naman ng laptops ang naipamahagi sa mga guro sa lahat ng pampublikong paaralan sa Maynila.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: