Maynila, handa nang pabakunahan ang mga LGU officials, barangay at police personnel

Handa na ang pamahalaang lungsod ng Maynila na magpatuloy ng pagbabakuna sa mga frontline personnel nito at sa mahahalagang sektor at mga opisyal ng lokal na pamahalaan o katergoryang  A4 kontra COVID-19.

Ayon ito kay Manila Mayor Francisco Domagoso kung saan sinabi nito na naabot na ng pamahalaang lungsod ang minimum requirement ng Department of Health (DOH)  para sa pagbabakuna sa mga target recipients sa ilalim ng A3 category  kabilang  ang mga indibidwal na may comorbidity o karamdaman.

Ayon sa alkalde, kabilang sa A4 category ang mga opisyal ng barangay at ang kapulisan.

Sa ngayon, ang available  na bakuna sa Maynila ay ang  second dose para sa mga recipients ng kategorya na A1 at A3.

Nagpapatuloy naman ang pagbabakuna sa lungsod, katunayan nasa 33,603 indibidwal na ang naturukan ng unang dose ng bakuna laban sa COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.