Marami sa mga Pilipino ang naniniwalang “credible” ang resulta ng eleksiyon noong Mayo 9

Share this information:

WALO mula sa 10 Pilipino ay lubos na naniniwala na ang resulta ng nakaraang national and local elections noon May 9, 2022 ay “accurate and credible” batay sa isang survey ng Pulse Asia.

Ang survey ay kinomisyon ng Stratbase at ginawa noong Hunyo 24 hanggang 27, 2022 kung saan nasa 1,200 ang respondents. Batay ito sa presentasyon ni Pulse Asia president Ronald Holmes sa “The Voice of the Filipino People: A Post-Elections Assessment” online townhall meeting.

Ayon sa survey, 82 porsiyento ng mga respondent ang nagsabing may “big trust” sila sa resulta ng nakaraang eleksyon.

Nasa tatlo mula sa 10 Pilipino o 27 porsiyento naman ang nagsabing “very big” ang pagtitiwala nila sa halalan, habang 55 porsiyento ang nasabing “big.”

Pagdating sa “small trust,” apat na porsiyento ang naitala, na ayon kay Holmes ay maliit na bilang.

Samantala, pagdating sa “satisfaction” sa automated polling system, lumabas sa Pulse Asia survey na halos siyam mula sa 10 o nasa 89 porsiyento ang satisfied; habang apat na porsiyento ang hindi satisfied.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.