Manila City Hall, binisita ng Apostolic Nuncio

Share this information:

Mainit na tinanggap ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso si  Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa kanyang pagbisita ngayong hapon sa Manila City Hall.

Sa kanilang maikling pag-usasap, pinuri ni Archbishop Brown ang alkalde dahil sa magandang nagawa nito sa lungsod ng Maynila.

Nagpasalamat naman si Domagoso  sa Apostolic Nuncio na aniya, sa tulong  ng mga kapulisan at national government ay maayos na naipapatupad ang mga  programa at proyekto ng  lungsod.

Gayundin sa kanilang paghaharap,  nagpasalamat din ang alkalde sa mga kaparian sa  Simbahan nang i-alok ni Auxiliary Bishop at Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila Broderick Pabillo ang ilang mga simbahan at eskuwelahan bilang vaccination site upang makatulong sa vaccination program ng pamahalaan.

Ipinagmalaki rin ni Domagoso sa Apostolic Nuncio ang 259 na mga barangay na ngayon ay naging COVID-free na bukod pa sa naunang 73  COVID-free na mga barangay noong nakaraang taon  sa kabila ng sunod-sunod na mga pagdiriwang o holiday o mga piyesta at iba pang kasiyahan sa lungsod na ipinagpatuloy ng may responsibilidad  dahil na rin sa pagsisikap ng pamahalaang lungsod kasama si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan at ni Manila Police District (MPD) Director Brig. General Leo Francisco na ikinamangha naman ng Apostolic Nuncio.

Pinuri din ng Apostolic Nuncio ang Maynila dahil napakalinis na at maayos.

Ikinatuwa rin ng  Arsobispo dahil madali ding naisaayos ang nasunog na simbahan sa Paco, Maynila.

Sa huli, binigyan ni Domagoso ng token na key to the city at larawan ng nag-iisang bakal na simbahan sa Pilipinas, ang San Sebastian Church.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Ama, bulagta, anak, sugatan dahil sa ligaw na bala

Mon Feb 8 , 2021
Bulagta ang isang padre de pamilya habang sugatan naman ang kanyang anak nang tamaan ito ng ligaw na bala matapos magpaulan ng putok ng baril ang riding-in-tandem sa Tondo, Maynila. Namatay noon din ang biktimang si Leonardo Escala, 50 anyos, habang inoobserbahan pa sa Philippie General Hospital (PGH) ang  kanyang 4-na-taong […]

Follow Us

%d bloggers like this: