COVID-19 response ng Navotas, pinuri ni Duque

Share this information:

Pinuri ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang pamahalaang lungsod ng Navotas sa matagumpay na pagtugon nito kontra sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Si Duque at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kabilang ang mga miyembro ng COVID-19 Vaccine Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team, ay bumisita sa Navotas Polytechnic College upang suriin ang cold room at vaccination center ng lungsod.

“Navotas City is worth acknowledging and recognizing because of its success in its COVID-19 pandemic response,” pahayag ni Duque sa kanyang talumpati.

Sinabi ni Duque na ang lungsod ay mayroong 2-percent positivity rate, 3.4-percent na mas mababa kaysa sa national positivity rate. Nagtala din ito ng pinakamababang kaso ng fatality rate na 1.7 percent kumpara sa 2 percent national fatality rate.

Nabanggit din ng health secretary na ang lungsod ay nagtala ng 1.53 percent average na daily attack rate sa huling dalawang linggo, -17.5 percent na dalawang linggong growth rate, at zero healthcare utilization rate.

Ipinakita ng City Health Office ang Navotas vaccination rollout plan na layon ng lungsod na ma-inoculate ang 107,000 karapat-dapat mabakunahan sa 20 vaccination sites at target na bakunahan ang 100 indibidwal kada araw bawat site.

“We have conducted a series of dry runs to keep our vaccination teams ready for any eventuality. We want our rollout safe and smooth that’s why we also study the vaccination procedures of other countries so we may learn from their experiences,” ani Mayor Toby Tiangco.

Samantala, sinabi ni Cong. John Rey Tiangco ang plano ng lungsod na tugunan ang mababang kumpiyansa sa bakuna.

“The city government has invited health experts to educate Navoteños about COVID-19 vaccines. We hope that as we correct misconceptions, we will also be able to allay their fears and eventually convince them to get vaccinated,” pahayag niya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Manila City Hall, binisita ng Apostolic Nuncio

Mon Feb 8 , 2021
Mainit na tinanggap ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso si  Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa kanyang pagbisita ngayong hapon sa Manila City Hall. Sa kanilang maikling pag-usasap, pinuri ni Archbishop Brown ang alkalde dahil sa magandang nagawa nito sa lungsod ng Maynila. Nagpasalamat naman si […]

Follow Us

%d bloggers like this: