Ama, bulagta, anak, sugatan dahil sa ligaw na bala

Share this information:

Bulagta ang isang padre de pamilya habang sugatan naman ang kanyang anak nang tamaan ito ng ligaw na bala matapos magpaulan ng putok ng baril ang riding-in-tandem sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Leonardo Escala, 50 anyos, habang inoobserbahan pa sa Philippie General Hospital (PGH) ang  kanyang 4-na-taong gulang na anak na tinamaan ng ligaw na bala matapos magpaputok ang mga suspek.

Sa ulat ni PSSgt. Niño Baladjay ng Manila Police District (MPD) – Homicide Section, kasama ng biktima ang kanyang anak na babae nang mangyari ang insidente sa harapan ng kanilang bahay sa Mel Lopez Boulevard sa Tondo, Maynila.

Sinasabing lider umano ng unyon ng mga manggagawa ang napaslang na biktima.

Gayunman, inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril ng mga suspek na agad  tumakas matapos ang krimen. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Bureau of Immigration, nakakolekta ng P5.9B sa kabila ng pandemya

Mon Feb 8 , 2021
SA kabila ng naranasang pandemya, ipinagmalaki ng Bureau of Immigration (BI) na nakakolekta pa rin ito ng P5.9 bilyon noong nakaraang taon. Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang kabuuang kinita nila noong 2020 mula sa mga immigration fee ay P5.88 bilyon, o 36.1-porsiyento na mas mababa kumpara sa […]

Follow Us

%d bloggers like this: