PUMALO na sa walumpu ang bilang ng mga kawani sa Kamara na nagpositibo sa COVID-19.
Pinakahuling nadagdag sa listahan ay ang kawani mula sa tanggapan ni Speaker Alan Peter Cayetano.
Ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales, huling nagtungo sa kanyang opisina ang empleyado nuong Setyembre 14 hanggang 18 at sumailalim sa swab test makaraang makaranas ng mga sintomas ng virus.
Nagpapatuloy na ang contact tracing.
Samantala, mula sa 80 kaso ay 14 ang tinatawag na active cases.