Mahigit P3-bilyon budget ng Bataan, naipasa na ng Sangguniang Panlalawigan ng Bataan

PORMAL nang naipasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Bataan ang mahigit P3-bilyong budget ng Pamahalaang Panlalawigan para sa taong 2023.

Ayon kay Bataan Governor Joet Garcia, ito ay tinaguriang “Matatag na Pamilyang Bataeño Budget” na may kabuuang halagang Ph3,003,216,000 para sa mga programa at proyektong pangkaunlaran sa Bataan. 

Ang nasabing budget ay nakatuon sa pananaw ng lalawigan na mas patatagin at paunlarin ang pamumuhay ng bawat pamilyang Bataeño kung saan ang nais niya na ang bawat serbisyo ng pamahalaan ay nakararating at nararamdaman ng bawat mamamayan nito. 

Pinasalamatan naman ni Governor Garcia ang mga bumubuo ng Sangguniang Panlalawigan ng Bataan sa pangunguna ni Vice Governor Cris Garcia sa mabilis na pagpasa ng 2023 budget at sa pagiging katuwang ng kanyang tanggapan sa pagsusulong ng mga resolusyon at ordinansa para sa kapakanan ng bawat pamilyang Bataeño.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.