Jones Bridge sa Maynila, muling binabahayan ng mga snatcher; broadkaster, nabiktima

UMATAKE na naman ang mga kawatan sa lungsod ng Maynila makaraang mabiktima ng snatcher ang isang mamamahayag sa Jones Bridge kamakailan.

Kuwento ni Gina Mape ng DWWW radio, nakasakay ito sa harapan ng pampasaherong jeep nang bigla na lamang lumapit ang isang lalaki at pinilipit ang kanyang kamay saka pilit inagaw ang kanyang cellphone.

Dahil sa insidente, agad na umaksyon ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) kung saan naaresto ang dalawang menor de edad na sinasabing mga cellphone snatcher sa lugar.

Ang mga suspek ay kasalukuyang hawak ng Women’s Desk habang pinag-aaralan ang kasong isasampa laban sa kanila.

Ayon kay Binondo police chief PCol. Rexson Layug, tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang pagsisikap para mabantayan ang seguridad ng publiko. Katunayan nito ay ang mga naka set-up na police assistance desk sa lugar na naging susi sa mablis na pagkakahuli sa mga suspek.

Matatandaan na panahon ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nang pagandahin ang Jones Bridge.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.