BQ.1 lineage ng BA.5 subvariant ng Omicron, nakapasok na sa Pilipinas — DOH

NAKAPASOK na sa bansa ang BQ.1 lineage ng Omicron BA.5 subvariant ayon sa inilabas na resulta ng sequencing run ng Philippine Genome Center (PGC) noong Oktubre 28 hanggang Nobyembre 18.

Ayon sa Department of Health (DOH), may natukoy nang 14 kaso ng BQ.1 mula sa 6,070 samples  na isinalang sa sequencing sa PGC.

Kabilang rito ang 525 na uri bilang Omicron BA.2.3.20; XBB na may 358; 254 na kaso naman sa XBC; 12 sa BA.2.75 at 864 sa isa pang Omicron subvariant.

Bukod dito, mayroon pang natukoy na 1,645 na Delta variant at subvariants.

Karamihan sa mga kaso ng BA.2.220 ay local cases mula sa lahat ng rehiyon maliban sa Region 8 at Caraga. Nasa 23 ang Returning Overseas Filipinos habang anim ang kasalukuyang biniberipika.

Samantala, sa mga kaso ng BA.5, 520 ang local cases mula sa lahat ng rehiyon maliban naman sa Region 8 kung saan lima ang ROFs sa mga ito, 14 ang mga kaso ng BQ.1 habang biniberipika pa ang isang kaso kung local o ROF.    

Sa BQ.1 na kaso, 13 ang local cases mula sa CAR, Region 1, 4A, 7 at NCR.

Sa karagdagang kaso naman ng XBB, 354 dito ang local cases mula region 1, 3, 4A, 6 7, 11, 12, CAR at NCR kung saan tatlo ang ROFs habang ang natitirang kaso ay patuloy pang biniberipika.

Lahat naman ng nauri na bagong kaso ng XBC ay mga local cases mula sa 11 rehiyon ayon sa DOH.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.