TINATAYANG nasa 85.9 porsiyento ng mga nagpositibo sa COVID-19 ang tinamaan ng Omicron variant ng naturang sakit.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batay iyan sa resulta ng isinagawang genome sequencing noong Marso 18.
Tinukoy ni Vergeire na sa 568 samples mula noong Enero hanggang Marso 2022, karamihan ay Omicron variant at isa lang o 0.18 porsiyento ang positibo sa Delta variant.
Sa ngayon ay wala pa ring naitatala ang DOH na hybrid mutation ng Delta at Omicron variant o Deltacron sa bansa.

