Mahigit 7,000 bagong kaso ng COVID-19 naitala

Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 7,342 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Batay sa case bulletin no. 508 ng DOH, nabatid na dahil sa mga naturang bagong kaso ng sakit ay umakyat na sa 1,619,824 ang naitatalang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Gayunman, sa naturang kabuuang bilang, 3.9% na lamang o 63, 171 ang nananatiling aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman, kabilang dito ang 94.1% na mild cases, 2.0% na severe, 1.42% na moderate, 1.3% na asymptomatic, at 1.2% na critical.

Samantala, mayroon namang 7,285 pasyente ang bagong gumaling sa sakit sanhi upang umabot na ngayon sa 1,528,422 ang total COVID-19 recoveries ng bansa o 94.4% ng total cases.

Nasa 90 naman ang iniulat ng DOH na nadagdag sa bilang ng mga pasyente na sinawimpalad na binawian ng buhay dahil sa karamdaman.

Sa ngayon, umaabot na sa 28,231 ang total COVID-19 deaths ng bansa o 1.75% ng total cases.

Ayon sa DOH, mayroon rin namang 59 duplicates ang inalis nila mula sa total case count, kabilang ang 52 recoveries.

Nasa 23 kaso naman na unang tinukoy na recoveries ang malaunan ay na-validate na aktibong kaso pa pala.

Mayroon ring 51 kaso ang unang naiulat na gumaling na sa karamdaman ngunit malaunan ay natuklasang binawian na pala ng buhay sa pinal na balidasyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.