MAHIGIT limampung motorista ang nahuli at pinagtitiketan sa ikinasang special operations ng Inter Agency Council for Traffic (i-ACT) sa kahabaan ng Taft Avenue sa Maynila.
Dakong 6:00 ng umaga nang magsimulang sitahin ang mga sasakyan sa may tapat ng Manila City Hall.
Limang van ang na impound dahil nabistong ginagamit itong shuttle service. Dadalhin sa Pampanga ang nga na impound na van at kinakailangan umanong magbayad ng P200,000.00 para ma release ang sasakyan.
Samantala, maging ang mga pumapasadang sasakyan ay ininspeksyon kung sumusunod sa health protocols kabilang na ang pagsusuot mg face shield ng mga pasahero.
Nadiskubre din na ang ilang bumibiyaheng UV express ay may magnetic sticker lang na nakadikit sa sasakyan sa halip na pintura, kaya tineketan din ang driver dahil indikasyon umano ito na ginagamit bilang private service.