Mahigit 1,500 OFWs mula Malaysia at Middle East, balik-Pinas na

TINATAYANG 1,570 overseas Filipino workers (OFWs) mula Kuala Lumpur, Malaysia at iba’t ibang bansa mula sa Middle East ang dumating sa bansa ngayong araw.

Lulan ng limang flights ang mga nasabing pinoy at unang nakarating ang may 350 repatriates mula Riyadh,Saudi Arabia sakay ng Philippine Airlines flight PR685 dakong alas10:00 ng umaga.

Bago naman mag-alas 11:00 ay dumating rin ang 200 repatriates mula Kuala Lumpur sakay ng Air Asia flight Z2943.

Mula Bahrain via Gulf Air flight GF154 300 repatriates ang dumating din ng alas 11:30 ngayong umaga.

Sakay naman ng Emirates Airlines flight EK332 ang 320 OFWs mula sa Dubai, UAE ang dumating kaninang alas 4:14 ng hapon habang ang 400 repatriates mula rin sa Dubai at sakay ng hiwalay na Cebu Pacific flight 5J19 ay nakarating ng alas 5:15 ng hapon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.