Breaking News

Share this information:

IDINEPLOY ngayon sa Manila Police District (MPD) ang nasa mahigit 100 na mga police trainee bilang bahagi ng kanilang aktwal na pagsasanay.

Ayon sa MPD, umaabot sa 108 na police trainee mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ipapakalat ng MPD sa lahat ng 14 na police station nila sa lungsod.

Tatagal ng anim na buwan ang field training ng mga bagong recruit.

Sasailalim din sa evaluation ang mga police trainee pagkatapos ng kanilang field training.

Bagama’t nasa temporary status ang mga police trainee, tatanggap na rin sila ng buwanang sahod.

Bago i-deploy, isinalang muna sila sa briefing sa pangunguna ni Police Col. Audie Madrideo, Chief ng MPD District Directorial Staff.

Pinaalalahanan naman ng opisyal ang mga bagong recruit na pulis na kinakailangang sumunod  sa duties and responsibilities ng Philippine National Police dahil maaari din silang managot kung sila ay may pagkakamali.

Bukod sa pagtulong sa pagbabantay sa seguridad, tutulong rin ang mga police trainees sa pagpapatupad sa guidelines ng health protocols.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: