Breaking News

Share this information:

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) sa publiko na maging maingalat sa pagbibigay ng pahayag o impormasyon na may kinalaman sa HIV status ng isang indibidwal.

Kasunod ito ng naging pahayag ni Atty. Larry Gadon sa kanyang palatuntunan sa radyo, kung saan sinabi nito na namatay si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III dahil sa impeksyon sa HIV.

Ayon sa DOH, labag sa batas na ibunyag nang walang pahintulot ang impormasyon na ang isang tao ay may AIDS, sumailalim sa  kahalintulad na pagsusuri sa  HIV, may impeksyon sa HIV o mga karamdamang may kaugnayan sa HIV o na-expose sa HIV.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11166 o Philippine HIV and AIDS Policy Act , ipinagbabawal ang pagsasapubliko ng impornasyon ng isang tao na may sakit na HIV at AIDS.

Gayundin ang mga nagpa-test, na-expose  o nahawahan ng naturang sakit at mga nagpapagaling sa HIV.

Binigyan-diin ng ahensya na iligal ang pagsasapubliko ng impormasyon ng isang tao na may HIV status nang walang pahintulot muna sa taong may sakit dahil ito ay sensitibo.

Maaari namang makasuhan alinsunod sa batas ang mga lumalabag at mananagot sa mga parusang kriminal, administratibo at  civil sanctions at penalties.

Mariing kinondena naman ng  HIV Advocacy Group ang naging pahayag ni Gadon kung saan sinabi umano nitong hindi nakarekober  sa kanyang sakit ang dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa HIV.

Tinitingnan na rin ng nasabing grupo ang paghahain ng disbarment at criminal charges laban kay Gadon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: