Magsasakang #1 MWP sa Laguna, tiklo

Share this information:

LAGUNA–Arestado ang isang magsasaka na nasa #1 sa listahan ng mga Most Wanted Person (MWP) sa lalawigan matapos ang isang manhunt operation na isinagawa sa Pagsanjan, Laguna kahapon.

Tinukoy ni Laguna Provincial Director PCol. Serafin Petalio II ang suspek na si Christopher Pranada Lambuson, 44 anyos, at residente ng Brgy. Maytalang 2, Lumban, Laguna.

Nadakip ang suspek ng mga tauhan ng Lumban Municipal Police Station sa pamumuno ng hepe nito na si PCapt. Jose Mari Pena, kasama ang mga operatiba ng Pagsanjan Municipal Police Station bandang alas 1:30 ng hapon kahapon.

Inihain ang warrant of arrest sa suspek na pirmado ni Hon. Josephine Nichols ng 4th MCTC Lumban- Kalayaan, Lumban, Laguna noon pang Pebrero 12, 2020 para sa kasong Acts of Lasciviousness na may Criminal Case Number 8328.

Nakapiit na sa Lumban Municipal Police Station ang nasabing suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Early morning fire hits Taytay, Rizal

Sat Jan 16 , 2021
AT least 32 families were rendered homeless after a fire caused by a lit candle hit a residential area in Taytay, Rizal early Saturday. No one was reported hurt from the blaze. It took two hours for local firefighters to put out the fire that gutted a row of houses […]

Follow Us

%d bloggers like this: