Magsasaka, nagbigti dahil sa dami ng utang

Share this information:

LAGUNA –Winakasan na ng isang 63-anyos na magsasaka ang sariling buhay kahapon ng umaga sa  Sitio Buliran, Barangay Halayhayin, Siniloan, Laguna dahil sa  dami ng kanyang utang.

Sa ulat ng Siniloan Municipal Station, nakilala ang biktimang si Luis San Juan y Panwelos, na tubong Goa, Camarines Sur.

Bandang alas 5 ng madaling araw nang magtungo ang anak na lalaki ni San Juan upang  i-report sa pulisya ang nasabing pangyayari.

Nang dumating ang mga awtoridad  sa crime scene, isang nylon rope na lang ang kanilang natagpuan.

Dead on Arrival na ng dalhin  ang biktima sa Pakil General Hospital .

Sa salaysay ng pamilya ng biktima, naisipan nitong wakasan ang buhay dahil sa dami ng kanilang problema sa pera.

Iminungkahi ng mga pulis na ipa-autopsy ang bangkay ng nasabing biktima kung may foul play ang pagkamatay ni San Juan ngunit tumanggi na ang mga ito at pumirma ng waiver.

Basa sa  eksaminasyon ni Dr. Girany Fariñas, Municipal Health Officer ng Siniloan, “Asphyxia” ang sanhi ng pagkamatay ng biktima at wala silang nakitang anumang senyales ng foul play.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Higit P37-M fake coppermasks, nasabat ng NBI

Tue Feb 9 , 2021
NAKUMPISKA ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tinatayang nasa  P37.9 milyong mga pekeng coppermask sa mga tindahan sa Maynila at Pasay City, gayundin sa isang warehouse sa Binan, Laguna.  Nagreklamo umano ang JC Premiere Business International sa NBI at hiniling na imbestigahan at gumawa ng aksyon upang pigilan ang paglaganap at […]

Follow Us

%d bloggers like this: