Higit P37-M fake coppermasks, nasabat ng NBI

Share this information:

NAKUMPISKA ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tinatayang nasa  P37.9 milyong mga pekeng coppermask sa mga tindahan sa Maynila at Pasay City, gayundin sa isang warehouse sa Binan, Laguna.
 
 Nagreklamo umano ang JC Premiere Business International sa NBI at hiniling na imbestigahan at gumawa ng aksyon upang pigilan ang paglaganap at pamamahagi  ng mga pekeng copper mask.
 
Ayon kay NBI Director Eric Distor, sa bisa ng isang search warrant na inisyu ng RTC Branch 46 ng Maynila ay sinalakay ang nasabing mga tindahan at warehouse dahil sa paglabag sa trademark infringement sa ilalim ng R.A. 8293 o ang “Intellectual Property Code of the Philippines.”
 
Sa kabuuan, tinatayang aabot sa halagang P37,956,680  ang mga nasabat na pekeng copper mask sa  magkakahiwalay na lugar. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

DOLE chief, pabor sa "Run, Sara, Run" sa 2022

Tue Feb 9 , 2021
Lumahok si  Labor Secretary Silvestre Bello III  sa panawagan ng publiko na  hikayatin  ang presidential daughter na si Sara Duterte-Carpio na tumakbo para sa 2022 national elections. Sa pagbisita sa kalihim ni Daniel Nobleza, isang radio anchor at founder ng Inday Sara Cares Movement, binanggit nito na ang pangunahing layunin ng […]

Follow Us

%d bloggers like this: