Breaking News

Share this information:

KAPWA ino-obserbahan sa magkahiwalay na pagamutan ang dalawang lalaking magka-lugar nang bigla itong mag-agawan sa patalim at magsaksakan sa gitna ng kanilang pag-aaway Huwebes ng gabi sa Malabon City.

Isinugod ng kanyang live-in partner sa Tondo Medical Center si Lonie Deboblas, 18 anyos, ng Blk 46, Lot 12, Phase 3, Brgy. Longos sanhi ng mga tama ng saksak sa katawan habang sa Jose Reyes Memorial Medical Center naman dinala ang kaaway niyang si Manuel Llaneta, 29 anyos, ng Blk. 49F Lot 7, Pampano St. ng naturan ding barangay.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot, naglalakad pauwi mula sa bahay ng pamilya ng kalive-in si Deboblas dakong alas-10:05 ng gabi nang madaanan niya ang grupo ni Llaneta na nag-iinuman sa lugar.

Kinompronta umano ni Llaneta si Deboblas at pinagbintangan na laging namemerhuwisyo at nambabato ng bote sa lugar hanggang bumunot ng patalim ang huli at inundayan ng sunod-sunod na saksak ang kaaway.

Bagama’t sugatan, nakipambuno pa rin si Llaneta kay Deboblas hanggang maagaw niya ang patalim at pinagsasaksak naman ang kaaway.

Ayon kay Col. Barot, kapuwa naghain ng reklamong tangkang pagpatay ang dalawa nang magsagawa ng pagsisiyasat ang pulisya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: