Breaking News

Share this information:

PORMAL nang sinimulan ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga nagnanais tumakbo para sa iba’t-ibang lokal at nasyonal na posisyon sa darating ng Halalan 2022. 

Ayon sa Commission on Elections, “very smooth” ang unang araw ng paghahain ng COCs at nasunod naman ang  health protocols na mahigpit na ipinatutupad. 

Nagpaalala ang Comelec na tuloy-tuloy ang filing ng COC mula Oktubre 1-8, 2021 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon at walang lunch break. 

Ayon Kay Comelec Spokesperson James Jimenez, wala silang naging problema  dahil walang lumabag sa health protocols. 

Nagpaalala naman ang Philippine National Police sa mga kandidato at taga suporta ng mga ito na iwasan ang mass gathering, dahil kahapon ay nakuhanan ng video ang nasa dalawang libo na umano ay mga taga-suporta ni Sen. Manny Pacquiao na nagtipon-tipon sa Luneta at hindi na nasunod ang social distancing. 

Si Sen. Pacquiao naman ang siyang kauna unahang naghain ng COC sa pagka Pangulo sa ilalim ng PDP Laban at  ka-tandem na si Buhay  Party list Rep. Lito Atienza, na tatakbo naman sa ilalim ng PROMDI Party.

Ilang independent candidate din ang naghain ng COC sa pagka Pangulo, kabilang na sina Dave Aguila, Leo Ordeñas at ang doctor-lawyer na si Jose Montemayor na nangakong wawakasan ang COVID-19, korapsyon at kriminalidad. 

Samantala, balik Senado sina Antique Rep. Loren Legarda, at Sorsogon  Gov. Francis Chiz Escudero. Tatakbo din muli bilang senador si Sen. Risa Hontiveros. 

Nasa 15 party-list group naman ang naghain na rin ng COCs. 

(PHOTO CREDIT: gmanetwork.com)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: