Breaking News

Share this information:

WINAKASAN ng isang 39-anyos na welder ang kanyang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa hagdan ng kanilang bahay dahil umano sa depresyon sa Malabon City kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Mark Anthony Adap, residente ng 143 University Avenue, Brgy. Potrero.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Michael Oben, dakong alas-6:45 ng umaga nang madiskubre ng kanyang asawang si Arlene, 33 anyos, ang biktima na nakabigti sa hagdan ng kanilang bahay gamit ang isang sinturon.

Agad humingi ng tulong si Arlene sa kanyang bayaw na si Julius Cesar at mabilis nilang isinugod ang biktima sa Valenzuela General Hospital subalit idineklara itong dead on arrival.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, sinabi ng asawa ng biktima na ang kanyang mister ay dumaranas ng depresyon at pinayuhan niya itong kumonsulta sa psychiatrist para sa medical assistance subalit tumanggi umano si Mark Anthony .

Sabi ni PSSgt. Oben, tumanggi ang pamilya ng nasawi na ipa-autopsy ang katawan nito at nag-execute na lamang sila ng waiver para sa imbestigasyon dahil naniniwala sila na walang naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: