P19-Milyon ‘high-grade’ marijuana, nasabat sa Tarlac

Share this information:

BUMAGSAK sa kamay ng Tarlac Provincial Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang anim na drug suspek sa operasyon na nagresulta sa pagkakasabat sa daang kilo ng high grade marijuana sa bayan ng Concepcion, Tarlac kahapon ng umaga.

Nakilala ang nadakip na mga suspek na sina Marlon Miranda, Joey Palayaen, Freddie Letta, Carl Andrei Maico, Via Jean Ortega at Lorraine Fulgencio.

Ayon sa imbestigasyon ng Concepcion Municipal Police station, notoryus na tulak ng marijuana sa Region 1 at Central Luzon ang mga nabanggit.

Dalawamput limang bricks ng marijuana na nagkakahalaga ng P3-milyon ang inorder ng nagpanggap na buyer at sa gitna ng transaksyon doon na hinuli ang mga suspek.

Bukod sa 25 bricks ng marijuana, may 133 bricks pa nito ang nadiskubre sa lugar na tinatayang nasa P19-Milyon ang halaga ng street value.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Efficient Code Checking with CodeChum

Thu Feb 18 , 2021
Imagine the tedious tasks of checking the codes submitted by your students on each and every machine problem that you require them to solve. Often, teachers are not able to provide immediate feedback to students, leaving the learners in the dark if they did good or improvement must be made […]

Follow Us

%d bloggers like this: