Breaking News

Share this information:

DUMULOG kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mag-asawang sina Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin Abalos at Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos para personal na magpasaklolo sa sumingaw na ilegal na bentahan ng bakuna kontra COVID-19.

Sinabi ni Chairman Abalos na nakausap nila si NBI Director Eric Distor at nangako ito na gagamitin ang kanilang buong pwersa at kakayahan para mapanagot ang nasa likod ng vacicne slot for sale.

Itinalaga umano ni Distor ang nasa limampung agents para tututok sa naturang kaso.

Dagdag pa ng mag-asawang Abalos na may lead na sila at kanila na itong naipasa sa NBI at ipapaubaya nila ito sa kanila at maging sa PNP.

Nagbabala ang mag asawang Abalos na mahaharap sa patong patong na kaso ang nasa likod ng vaccine slot for sale

Kaya maman nanawagan sila sa publiko na mag ingat at huwag tangkilikin ang nasabing panloloko dahil libreng itinuturok ang bakuna sa mga kwalipikadong indibidwal.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: