Breaking News

Share this information:

PINAGTIBAY na sa komite ang substitute bill na panukalang Bayanihan 3 Law, na layong magbigay ng karagdagang ayuda sa mga Pilipino na apektado parin ng pandemya.

Bukod sa nabanggit na panukala, aprubado na rin ang committee report kung saan ay inaasahang mai-aakyat na sa plenaryo ang Bayanihan 3 bill.

Sa joint hearing na pinangunahan ni Economic Affairs Chairman Rep. Sharon Garin, dumalo si House Speaker Lord Allan Velasco na siyang pangunahing may-akda ng Bayanihan 3 bill na mangangailangan ng P405.6 billion, kung saan kasama ang “Ayuda for all Filipinos.”

Ayon kay Velasco, umabot na sa 290 ang mga kongresista na prinicipal authors at co-authors ng Bayanihan 3 bill sa Kamara kaya inaasahang mapapadali ang pagpapatibay nito sa plenaryo, bago ang ‘sine die adjournment’ ng mababang kapulungan ng kongreso.

Pinuri naman ni Velasco ang House committees; at ang technical working group na humawak ng Bayanihan 3 bill. Dahil dito, umaapela si Velasco sa Senado at Ehekutibo na maging katuwang at suportahan ang panukala, upang makatulong sa mga Pilipinong patuloy na nagugutom at naghihirap dahil sa pandemya.

“Aanhin pa ang buhay kung hindi naman makakakain ang mga tao, hindi makapag-trabaho at bagsak ang ekonomiya, kailangan ng mga Pilipino ang “lifeline interventions” sa lalong madaling panahon,”
giit pa ni Velasco.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: