Mabilis na pagpapaunlad ng pabahay, itinatakda sa Pampanga

Share this information:

Sa kabila ng hamon na dulot ng pandemiya, itinakda sa lalawigan ng Pampanga na mapabilis pa ang pagpapaunlad sa pabahay program dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng benta at demand ng komunidad na magkaroon ng sariling bahay.

Ito ang isiniwalat ni housing czar at Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo del Rosario kaugnay ng kaniyang pagbisita at pag-inspeksyon sa site ng Xevera Mabalacat Township project kamakailan.

Ang pormula ng Pag-Ibig Fund, partikular para sa mga proyekto ng Xevera, ay naging isang tagumpay sa kabila ng nagpapatuloy na pandemic na lubos na nakaapekto sa sektor ng pabahay at konstruksyon sa nagdaang 12 buwan.

Hindi naman naitago ni Sec. Del Rosario ang kaniyang pag-hanga nang masaksihan nito ang kagandahan ng Xevera at sa maayos na pamamahala ng Westchester Realty Corporation kung saan nais nito na maging modelo ang Xevera ng iba pang mga township projects, partikular na sa mga pribadong kabahayan.

“The availability of local jobs particularly in the economic zone, the huge number of OFWs (Overseas Filipino Workers) based in Pampanga and its proximity to Metro Manila has boosted the province’s resiliency and opened a host of opportunities for a sustained mass housing program in the province,” ayon kay Del Rosario.

Dahil na rin sa mga itinatampok ng Xevera tulad ng magaang na pagbabayad, kumpletong amenities, free education,  access and availability of housing units ang nagtutulak sa mga mamimili na mang-hiram at ituloy ang kanilang mga pangarap na magkaroon ng sariling bahay.

Sa kanyang pagbisita, tiniyak ni Del Rosario ang pangako ng kanyang ahensya ng pagtulong sa mabilis na pagproseso sa Westchester Realty at sa mga kwalipikadong aplikante na nais magkabahay.

 “A long time ago, this township development project somewhat set the pace in the development of affordable housing with complete amenities,” ani Del Rosario. 

Kaya naman kinikilala ito ng kasalukuyang administrasyon, dahilan para ituloy ng DHSUD ang muling pagtatayo ng isang model housing community.

“We are not building housing units, we are building [a] community and that is actually [a] township, so yun talaga ang aming programa under the Balai Filipino Community’s program, which is building adequate livable, affordable and inclusive Filipino communities,” pahayag nito.

Target ng Westchester Realty ang matapos at maihatid ang 4,000 units na pabahay bago matapos ang taong ito upang ma-achieve ang 100-percent na pagtatapos ng naturang proyekto.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.