Breaking News

Share this information:

PATULOY na prayoridad at palalakasin pa ng lungsod ng Maynila ang pagbabakuna sa mga bata kontra tigdas at iba pang “vaccine preventable diseases” o VPDs.

Ito ang tiniyak ng Manila Health Department (MHD) kasunod ng babala ng Department of Health (DOH) na maaaring magkaroon ng “outbreak” ng tigdas sa susunod na taon kung walang mga pamamaraan na gagawin ang pamahalaan dahil sa mababang  “immunization rate” sa hanay ng mga bata.

Ayon kay Dr. Arnold Pangan, ang hepe ng MHD, ayaw nila sa lungsod ng Maynila na magkaroon ng kinatatakutang outbreak.

Sa ngayon, mababa at “manageable” ang mga kaso ng tigdas sa Maynila at walang dapat ikabahala.

Malaking tulong aniya ang araw-araw pa ring “catch-up and routine immunization” sa hanay ng mga bata sa Maynila, partikular sa edad 0 hanggang 23-buwan. Ito ay ginagawa sa iba’t-ibang health centers sa lungsod.

At dahil may pagbaba sa mga kaso ng COVID-19, mas palalakasin pa ng pamahalaang lungsod ang pagbabakuna sa mga bata laban sa tigdas at iba pang sakit gaya ng influenza, diphtheria, rubella, polio at iba pa.

Kaugnay nito, patuloy ang paghikayat ng lungsod ng Maynila sa mga magulang o guardians na pabakunahan ang mga bata upang makaiwas o maagapan ang tigdas at iba pang sakit.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.