Election summit, itinakda na sa susunod na taon!

Share this information:

NAKATAKDANG magsagawa ng election summit ang Commission on Elections (Comelec) sa susunod na taon.

Tatlong araw gagawin ang election summit sa Enero 2023 ayon kay Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay,

Ayon sa kanya, pag-uusapan sa nasabing summit ang mga reporma sa eleksyon gaya ng proseso at maging sa aspetong teknikal.

Sinabi ni Laudiangco na lahat ng mga electoral reform agenda ni Comelec Chairman George Garcia ay pag-uusapan lahat sa summit.

Tiniyak ni Laudiangco na ilalabas sa susunod na mga araw ang detalye ng naturang summit kung saan kasama lahat tulad ng mga stakeholders, Kongreso at sa iba pa.

“Lahat po ng ground works po ay ginagawa na lahat ngayon for that,” ani Laudiangco.

Siniguro din ni Laudiangco na patuloy ang ginagawang preparasyon para sa nasabing summit.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.