ANG mga senior citizen ng lungsod ng Maynila ay makakatanggap na ng buwanang allowance mula sa lokal na pamahalaan.
Tinatayang nasa 194,529 ang bilang ng mga nakakatandang mamamayan ng lungsod mula sa anim na distrito nito, at bawat isa ay makakatanggap ng P3,000 allowance para sa buwan ng Enero, Pebrero at Marso 2025.
Samantala, ipinaliwanag naman ng lokal ng pamahalaan sa simula ng pamamahagi ng allowance na kung ang isang senior citizen na umabot sa edad na 60 anyos nitong Pebrero o Marso ay mas mababa ang matatanggap nilang allowance.
Ibinalita din ng lungsod na ang mga senior citizen na hindi kakayaning magtungo sa barangay dahil maysakit ay pupuntahan ng mga barangay official sa kanila mismong tahanan o ospital upang ibigay ang allowance.
Una nang pinutol ng lokal na pamahalaan ang paggamit ng debit card sa pamamahagi ng allowance dahil karamihan sa mga senior citizen ay nalilimutan ang kanilang Personal Identification Number o PIN, samantalang ang ilan ay nawawala naman ang card.
Para maging maayos ang pamamahagi ng allowance, ginawang quarterly sa halip na tuwing ika-apat na buwan ang paraan ng pamamahagi ng allowance sa mga senior citizen.

