Breaking News

Share this information:

MULING nakapagtala ang lungsod ng Maynila ng pinakamataas na bilang ng nabakunahan sa loob ng isang araw.

Batay ito sa inilabas na datos ng lungsod, kung saan umabot sa 26,028 ang bilang ng mga nabakunahan sa loob ng isang araw gamit ang Sinovac vaccines.

Ang kabuuang bilang ng mga nabakunahan sa lungsod  ay umaabot na rin sa 380,155 kung saan 255,791 ang nabakunahan ng first dose at 124,364 ang nakatanggap ng second dose.

Samantala, muling bumili ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng karagdagang 400,000 doses na Sinovac vaccines na nsgkakahalaga ng P298,523,680.

Ito ay bukod pa sa nauna nilang binili na 800,000 doses ng bakuna kung saan hinihintay na lang nila ang pagdating ng mga nasabing bakuna para magtuloy-tuloy na ang ikinakasa nilang vacciantion program sa lungsod.

Ngayong araw naman ay sisimulan na ang pagbabakuna sa A5 priority group mula District 1 hanggang District 6.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: