Breaking News

Share this information:

SINABI ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na ang coconut planting, kasama ang pagtatambak ng white sand o dolomite, ay bahagi ng rehabilitation program ng gobyerno para sa Manila Bay.

Ito ay kanyang ipinagdiinan ngayong umaga sa coconut planting activity na ginawa ngayong araw sa Baywalk sa Roxas Boulevard sa Maynila.

Ayon kay Cimatu, nasa 60 butas o puno ng niyog ang itatanim sa kahabaan ng Baywalk.

Kung matatandaan aniya noong unang panahon ay puno ng niyog ang Roxas Boulevard kaya naman ginagawa ang restoration ngayon ng DENR.

Sa cermonial planting, 10 puno ng niyog at palm trees pa lamang ang naitanim sa pangunguna ni Cimatu, Usec. Benny Antiporda, at ilang opisyal ng gobyerno at Manila LGU.

Ginagamit ang mga punong ito sa mga resorts upang magbigay ng maaliwalas at mahangin na kapaligiran para sa mga dumadayong turista sa lungsod.

Nasa P389 million ang budget para sa pagpapaganda ng Manila Bay.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: