Breaking News

Share this information:

UMAPELA ang sektor ng agrikultura sa Inter-Agency Task Force (IATF) na maisama sila sa prayoridad ng gobyerno sa vaccination program laban sa COVID-19.

Ayon kay Agriculture Sector of the Philippines (AGAP) at Pork Producers of the Philippines Chairman Nicanor Briones sa isangmefia forum na nangangamba ang kanilang sektor dahil hindi pa nababakunahan ang mga magsasaka at mangingisda na aabot sa 12 milyong indibidwal sa buong bansa.

Aniya aabot sa 30 percent ang mga magsasaka sa agriculture sector sa bansa kaya dapat itong paglaanan ng gobyerno ng 20 milyong doses ng bakuna para makumpleto ang kanilang second dose para masiguro ang kanilang kaligtasan.

Panawagan din ni Briones sa IATF na dapat unahin ang mga miyembro ng sektor ng agrikultura.

Binigyang-diin din ni Briones na napakahalaga ito sa mga magsasaka , magmamanok  magbababoy, mangingisda dahil sa kanila dumadaan ang pagkain ng bawat Pilipino sa araw araw.

Ayon kay Briones, nahuhuli na sa prayoridad ang mga magsasaka sa badyet, ngayon ay panghuli pa rin pagdating sa vaccination program ng pamahalaan. 

Umaasa naman ito na agad matutugunan ang kanilang panawagan upang mawala na ang agam-agam na sila ay mababale-wala.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: