LPG price hike sa susunod na buwan, asahan

Share this information:

 ASAHAN na ang pagtataas ng presyo ng kada tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa susunod na buwan.

Ang balitang ito ay kinumpirma ni Engineer Bernardo Bolisay, na siyang pangulo ng LPG Refillers Association of the Philippines Inc.

Sa pagtataya ni Bolisay, mahigit tatlong piso kada kilo ang maaaring madagdag sa presyo ng LPG na ipatutupad sa unang linggo ng Nobyembre.

Idinagdag pa ni Bolisay na maaaring hindi lamang sa Nobyembre magkakaroon ng pagtataas ng presyo ng LPG dahil na rin sa malaking demand bunsod ng malamig na panahon.

(PHOTO CREDIT: pna.gov.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.