Bilis ng hawaan ng COVID-19 sa NCR, lalo pang bumagal — OCTA

Share this information:

 SINABI ng isang eksperto ng OCTA Research Group na lalo pang bumagal ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa pahayag ni Dr. Guido David ng OCTA Research, bumaba pa sa zero-point-forty-seven (0.47) ang reproduction number sa buong Metro Manila.

Dagdag pa nito, nakapagtala naman ng 1,156 na 7-day average ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa NCR.

Samantala, nasa zero-point-fifty-five (0.55) naman ang reproduction number sa buong Pilipinas habang nasa 6,416 ang 7-day average ng mga kaso.

Inaasahan ng OCTA Research na bababa ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa bago matapos ang buwan ng Oktubre sa antas na bago lumaganap ang Delta variant.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.