Breaking News

Share this information:

TINAWAG na ngayong Tropical Storm Crising ang dating low pressure area o namumuong sama ng panahon na binabantayan sa Mindanao.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), limang lugar ang itinaas na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa gitna ng paglakas at pagbilis ng bagyong Crising.

Sa pinakahuling severe weather bulletin ng PAGASA dakong alas-2 ng hapon, nakataas ang signal no. 2 sa southern portion ng Surigao del Sur (Lingig, City of Bislig), southern portion ng Agusan del Sur (Loreto, Trento, Bunawan, Santa Josefa, Veruela), northern portion ng Davao Oriental (Boston, Cateel, Baganga), northern portion ng Davao de Oro (Laak, Monkayo, Montevista, Compostela, New Bataan, Nabunturan,Mawab), at northern portion ng Davao del Norte (Kapalong, San Isidro, Asuncion, New Corella, Talaingod).

Signal No. 1 naman sa nalalabing bahagi ng Surigao del Sur, nalalabing bahagi ng Agusan del Sur, Agusan del Norte, nalalabing bahagi ng Davao Oriental, natitirang bahagi ng Davao de Oro, natitirang bahagi ng Davao del Norte, Davao City, Bukidnon, Lanao del Sur, Lanao del Norte, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Camiguin, at eastern portion ng Zamboanga del Sur (Josefina, Molave, Tambulig, Aurora).

Dakong ala-una ng hapon nang mamataan ang sentro ng bagyong Crising sa layong 250 kilometro ng Silangan ng Davao City, Davao del Sur.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometro kada oras at taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 65 km/h at pagbugsong hanggang 80 km/h.

Inaasahan nang magdudulot ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang bagyong Crising sa Surigao del Sur, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, at Davao del Norte. Sa Davao Oriental-Surigao de Sur area ang posibleng landfall ng bagyo at inaasahang hihina pagsapit ng araw ng Sabado o Linggo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: