Deployment ng healthworkers sa mga rehiyon sa labas ng NCR, pinag-aaralan ng DOH

INAALAM na ng Department of Health (DOH) kung kakayanin na ang posibilidad na maipadala sa iba pang mga rehiyon sa bansa ang mga healthworker na nasa Metro Manila.

Sa gitna iyan ng naitatalang patuloy na pagtataas ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lugar sa Pilipinas habang pababa na sa National Capital Region.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagamat nasa ilalim pa rin ng moderate risk level ang mga ospital sa Metro Manila, pinag-aaralan na kung uubrang dalhin sa ibang rehiyon ang mga healthworker upang tumulong sa mga pasyente ruon.

Nauna nang nagpadala ang DOH ng medical supplies, protective gears, at mga gamot sa mga ospital sa labas ng NCR na humahawak ng COVID-19 cases.

Sinabi ni Vergeire, na inihahanda na rin ang pagbibigay ng karagdagang pondo sa mga ospital na nangangailangan ng suporta.

Kabilang sa mga lugar na na-monitor ng OCTA Research Group na may malaking pagtaas ng COVID-19 cases ay ang Cagayan de Oro, Davao City, at Iloilo City.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.