Love triangle, tinitingnang anggulo sa riding-in-tandem slay

Share this information:

Love triangle ang tinitingnang anggulo ng mga pulis sa naganap na pamamaslang sa isang lalaki sa Liliw, Laguna kahapon ng umaga.

Nakilala ng Liliw Municipal Police Station (MPS) ang biktimang si Eduardo Belen Empile ng Barangay Masikap ng bayang ito.

Sa ulat ng pulisya bandang alas 6:45 ng umaga kahapon, habang nag-hihintay ng masasakyan ang bktima at ang kasamahan nito sa trabaho, biglang may huminto na motorsiklo sa kanilang harapan sakay ang dalawang di pa nakikilalang mga lalaki.

 Agad na pinagbabaril ang biktima saka nagmamadaling tumakas ang di naplakahang motorsiklo ng mga suspek papalayo sa crime scene.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng Liliw MPS sa nasabing pamamaslang habang inaalam na ang kinaroroonan ng mga tumakas na suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.