Lalaking kunwari ay bibili ng yelo, biglang namaril

Share this information:

Pinasok ng isang di pa nakikilalang lalaki na nagkunwaring bibili ng yelo ang bahay ng isang lalaki sa Brgy. Salac, Lumban, Laguna kahapon.

Sa ulat ng Lumban Municipal Police Station, natukoy ang biktima bilang si Bonifacio Febrero Jones na nakatira sa nasabing lugar.

Bandang alas 3 ng hapon nang Martes nang kumatok sa bahay ang suspek at sinabing bibili umano ng yelo.

Biglang umano itong pumasok sa bahay bitbit ang kanyang baril saka pinaputukan ng dalawang beses ang biktima.

Agad na dinala ang biktima sa Laguna Medical Center sa Sta. Cruz, Laguna ng kanyang pamilya  ngunit Dead on Arrival na ito ayon sa attending physician.

Mabilis namang nakatakas ang suspek papalayo sa lugar.

Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang sa biktima at pinaghahanap na ng mga alagad ng batas ang tumakas na supek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Love triangle, tinitingnang anggulo sa riding-in-tandem slay

Wed Mar 10 , 2021
Love triangle ang tinitingnang anggulo ng mga pulis sa naganap na pamamaslang sa isang lalaki sa Liliw, Laguna kahapon ng umaga. Nakilala ng Liliw Municipal Police Station (MPS) ang biktimang si Eduardo Belen Empile ng Barangay Masikap ng bayang ito. Sa ulat ng pulisya bandang alas 6:45 ng umaga kahapon, […]

Follow Us

%d bloggers like this: