Breaking News

Share this information:

DINAKIP ng mga awtoridad sa bisa ng isang warrant of arrest sa Valenzuela City ang isang lolo na wanted sa kasong rape sa lalawigan ng Northern Samar.

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr., ang naarestong suspek na si Jose Gache, 63 anyos, pedicab driver at residente ng 19-A Sto. Rosario St., Brgy. Karuhatan.

Si Gache ay nasa Top 3 Regional Level Most Wanted Person ng Police Regional Office 8.

Ayon kay Col. Haveria, dakong alas 11:45 ng gabi nang maaresto ang suspek sa kanyang bahay ng mga operatiba ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PLt. Robin Santos sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Decoroso Turla, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 23, Allen, Northern Samar, na may petsang December 16, 2013 para sa kasong rape.

Kasama ng WSS sa paghain ng arrest warrant sa suspek ang mga tauhan ng Sub-Station 9, Philippine National Police Intelligence Group-Intelligence and Special Operations Division (PNP IG-ISOD), Regional Intelligence Unit 8 (RIU 8), 2nd Leyte Provincial Mobile Force Company (PMFC), Provincial Intelligence Unit (PIU) Northern Samar Provincial Police Office (PPO), Allen Municipal Police Station (MPS), 803rd Maneuver Company (MC), Regional Mobile Force Battalion 8 (RMFB 8) at 4th Maneuver Force Company Regional Mobile Force Battalion National Capital Region Police Office (MFC RMFB NCRPO).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: