Breaking News

Share this information:

POSIBLE umanong umusad ang kasong impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen sa pagbabalik ng regular session sa Kamara simula bukas araw ng Lunes, Mayo 17, 2021.

Ito ang pagtitiyak ni House Majority Leader Martin Romualdez kung saan kabilang sa order of business sa kongreso ang naturang reklamo na inihain kay Leonen.

Ayon kay Romualdez, makakasama ito sa kanilang agenda sa loob ng unang tatlong araw simula magbalik ang kanilang sesyon ngayong araw matapos ang kanilang summer break.

Ini-atas mismo sa kanya ni House Speaker Lord Allan Velasco ang nasabing rekomendasyon sa kaso ni Leonen matapos itong ihain ni Ilocos Sur 2nd District Representative Angelo Marcos Barba sa kumite.

Sinabi pa ni Romualdez, chairman ng House Committee on Rules na pag-uusapan ng kanyang komite ang referral sa impeachment complaint.

“Last March 25, Speaker Lord Allan Jay Velasco transmitted the impeachment complaint filed by Mr. Edwin M. Cordevilla and endorsed by Ilocos Sur 2nd District Rep. Angelo Marcos Barba to our committee. We will act on it and include it in the order of business,” pahayag ni Romualdez.

Bukod dito, prayoridad ng Kamara ang pagtalakay at pagpasa sa P405.6-billion Bayanihan 3 bago ang kanilang adjourn sine die adjournment sa June 4.

“We need Bayanihan 3 to help ensure that the economy recovers quickly from the coronavirus disease-19-induced crisis in a strong, sustainable, and resilient manner,” ani pa ni Romualdez.

“We only have three weeks to pass this vital measure that will help our fellow Filipinos who are all affected by the pandemic, and we are confident that before we adjourn, we will be able to pass the measure,” giit pa ng mambabatas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: