Lockdown, naka-amba sa lungsod ng Taguig

NAGBABALA kahapon  si Taguig City Mayor Lino Cayetano sa posibleng lockdown anumang oras kaugnay sa pagpapabaya ng mga residente at ilanv establisyemento sa umiiral na minimum health standards.

We may be facing a new lockdown and quarantine restrictions soon,” ani Cayetano.

Ayon sa alkalde, pinagsisikapan naman ng lokal na pamahalaan na maging ligtas at bukas ang lungsod para sa negosyo na may pinakamababang bilang ng aktibong kaso base sa populasyon.

Gayunpaman, ang malayang paggalaw ngayon  sa Metro Manila at ang pagiging reckless ng ilang establisyemento at mamayan naman ay nagsimula nang makompromiso na maaring masayang lamang ang mga napaghirapan sa mga nakalipas na buwan.

Aniya, kabilang ang pagbabalewala sa kautusan laban sa social gatherings, parties sa mga kabahayan, sa hindi pagsunod ng mga restaurants at bars sa limitadong kapasidad o dami ng tao  at ang sikretong operasyon ng mga bar, at paglalaro ng mga contact sa sports tulad ng basketball na hindi kontrolado.

Yesterday, we received numerous reports of these violations. I hope these establishments and citizens realize that their reckless behavior will bring us closer to another spike in our cases and a possible lockdown that would harm both our public health system and our economy that we have been working so hard to rebuild,” ani pa ni Cayetano.

Inihalinbawa ng alkalde, ang insidente sa Barangay Fort Bonifacio na kanilang pinuntahan dahil sa pagkakaroon ng 0-300 sa loob lang ng isang linggo. Ang maagang pagkakadiskubre at pagmonitor sa mga aktibong kaso kaya agad napigilan ang outbreak at ang lahat ay nakarekober. 

 Sa kasalukuyan, kahit agresibo sa pagbubukas ng mga negosyo, nananatili pa rin na pinakamababa ang bilang ng active cases per population sa Metro Manila at buong mundo.

Kahapon sa pinakahuling ulat, ang Taguig ay may 7 kaso sa kada 100,000 populasyon kumpara sa kabuuan ng Metro Manila na may 22 kaso sa kada 100,00 population.

Inihalintulad rin ng alkalde ang lungsod ng Taguig na mas may mababang aktibong kaso sa kada populasyon sa Hong Kong, Tokyo, at  Seoul.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.