“Local transmission ng new variant sa PH, wala pa” – DOH

WALA pa umanong local transmission ng bagong variant na SARS-CoV2 sa bansa.

Ito ang nilinaw ng Department of Health (DOH) sa kabila ng pagdedeklara na may local transmission na sa Bontoc province ng Covid-19 UK variant.

Paliwanag ni Dr. Althea de Guzman, Medical Specialist ng DOH Epidemiology Bureau, ang local transmission ay kapag nakapang hawa ang isang local case sa mga nakasalamuha nito.

Pero para matawag aniya na community transmission ay kinakailangan na hindi na ma trace kung saan nahawa ang isang kaso.

Ayon kay de Guzman hindi ito ang sitwasyon ngayon sa Bontoc.

Gayunman, kahit aniya anong variant o mutation pa ng Covid-19 ang mayroon ay mahalaga pa rin na panlaban sa virus ang mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards gayundin ang striktong obserbasyon ng isolation at quarantine protocols ang tanging paraan para maiwasan ang pagtaas ng bilang ng mga kaso sa bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.