Deadline sa voter’s registration, posibleng palawigin pa ng Comelec

Share this information:

POSIBLE umanong palawigin pa ng Commission on Election ang voter’s registration para sa halalang 2022 dahil hindi pa naaabot ang kanilang target na botante.

Ayon sa Comelec, nasa 1.117 milyon pa lamang ang aplikante kaya naman ipinanukala ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na magkaroon ng adjustments ng schedule at venue ng voter’s registration.

Sa kanyang suhestyon, palawigin pa ang oras ng pagpaparehistro at ibababa sa barangay ang voter’s registration.

Sa ngayon aniya ay hinihintay pa ang desisyon ng Comelec en banc kaugnay sa kanyang panukala.

Paliwanag ng opisyal, hindi na kailangan pang bumiyahe ang mga aplikante upang magparehistro dahil sa barangay na gagawin ang kanilang pagpaparehistro.

Maging ang online registration ng mga Pinoy na nasa abroad ay hinihintay pa ng Comelec ang pasya ng Department of Foreign Affairs kung ito ay papayagan.

Dahil sa banta pa rin ng Covid-19, ang oras ng viters registration ay mula alas 8 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon tuwing Lunes hanggang Huwebes sa mga opisina ng Comelec sa buong bansa.

Ang voter registration ay muling binuksan noong September 1,2020 matapos itong matigil dahil sa pandemic at tatagal hanggang September 30,2021.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

“Local transmission ng new variant sa PH, wala pa” – DOH

Tue Jan 26 , 2021
WALA pa umanong local transmission ng bagong variant na SARS-CoV2 sa bansa. Ito ang nilinaw ng Department of Health (DOH) sa kabila ng pagdedeklara na may local transmission na sa Bontoc province ng Covid-19 UK variant. Paliwanag ni Dr. Althea de Guzman, Medical Specialist ng DOH Epidemiology Bureau, ang local […]

Follow Us

%d bloggers like this: