Local business establishments, tutulungan ng Taguig LGU sa pagbangon sa krisis

Share this information:

Matapos makamit ang pinakamababang record ng active cases ng coronavirus disease 2019 o Covid-19, nakatuon na ang pamahalaang lokal ng Taguig sa pagtulong sa mga establisyemento na makapagbukas na ng ligtas at responsable sa mamamayan.

Ang ratio ay 19 active cases na lamang sa kada 100,000 populasyon ang lungsod na indikasyong nagawa nang makontrol ang pagkalat ng nasabing virus.

“The city believes that the enforcement of health protocols in commercial areas and offices is now the key area we need to focus on,” ani Taguig City Mayor Lino Cayetano.

Sa mga lungsod na nasa lowest active cases per 100,000 population din ay ang Muntinlupa (33), Parañaque (33), Caloocan (36), at Las Piñas (37).

Nasa average na 68 per 100,000 pupulation ang active cases ng National Capital (NCR), batay sa official’s data na inilabas ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

Naging posible na makamit ang mababang kaso at pagtaas ng mga nakarekober sa virus dahil sa ipinatupad na mga sttatehiya ng lokal na pamahalaan na — ‘Prevent, Detect, Isolate, Treat, and Reintegrate’.

Kasabay ng diskarteng ito ay ang paglikha ng mga imprastraktura tulad ng bagong inilunsad na Lakeshore Mega Complex na kinalalagyan ng Taguig Molecular Laboratory, Taguig National Testing Facility, at Lakeshore Hotel Mega-Quarantine Facility.

Base sa ulat ng Oktubre 13, may kabuuang 59,302 PCR tests ang naisagawa o 6.01% ng populasyon ng Taguig.

Nasa 8,136 ang kabuuang confirmed cases ng COVID-19, kung saan 7,893 dito ang nakarekober na o 97% recovery rate.

Samantala, ang pinagsama-samang bilang ng mga nasawi ay nananatili sa 60 na may Case Fatality Rate ng lungsod o CFR sa 0.74%, na kabilang din sa pinakamababang kaso ng fatality sa bansa.

Ang lungsod ay kasalukuyang mayroong 183 mga aktibong kaso sa lungsod, ang pinakamababa sa loob ng dalawang buwan.

Sa kabila ng tagumpay na ito sa COVID-19 battle, hinihikayat pa rin ang mga mamamayan na manatiling mapagbantay.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.